Sunday, September 8, 2013

Dell Hymes - Speaking




Dell Hymes's[sic] SPEAKING Model



Background

Sociolinguist 
Dell Hymes developed the following model to promote the analysis of discourse as a series of speech events and speech acts within a cultural context. It uses the first letters of terms for speech components; the categories are so productive and powerful in analysis that you can use this model to analyze many different kinds of discourse. Mr. McGowan patricularly enjoys applying this model to storytelling.

The SPEAKING Model
Setting and Scene
"Setting refers to the time and place of a speech act and, in general, to the physical circumstances" (Hymes 55).The living room in the grandparents' home might be a setting for a family story.
Scene is the "psychological setting" or "cultural definition" of a scene, including characteristics such as range of formality and sense of play or seriousness (Hymes 55-56). The family story may be told at a reunion celebrating the grandparents' anniversary. At times, the family would be festive and playful; at other times, serious and commemorative.
Participants
Speaker and audience. Linguists will make distinctions within these categories; for example, the audience can be distinguished as addressees and other hearers (Hymes 54 & 56). At the family reunion, an aunt might tell a story to the young female relatives, but males, although not addressed, might also hear the narrative.
Ends
Purposes, goals, and outcomes (Hymes 56-57). The aunt may tell a story about the grandmother to entertain the audience, teach the young women, and honor the grandmother.
Act Sequence
Form and order of the event. The aunt's story might begin as a response to a toast to the grandmother. The story's plot and development would have a sequence structured by the aunt. Possibly there would be a collaborative interruption during the telling. Finally, the group might applaud the tale and move onto another subject or activity.
Key
Cues that establish the "tone, manner, or spirit" of the speech act (Hymes 57). The aunt might imitate the grandmother's voice and gestures in a playful way, or she might address the group in a serious voice emphasing the sincerity and respect of the praise the story expresses.
Instrumentalities
Forms and styles of speech (Hymes 58-60). The aunt might speak in a casual register with many dialect features or might use a more formal register and careful grammatical "standard" forms.
Norms
Social rules governing the event and the participants' actions and reaction. In a playful story by the aunt, the norms might allow many audience interruptions and collaboration, or possibly those interruptions might be limited to participation by older females. A serious, formal story by the aunt might call for attention to her and no interruptions as norms.
Genre
The kind of speech act or event; for our course, the kind of story. The aunt might tell a character anecdote about the grandmother for entertainment, but an exemplum as moral instruction. Different disciplines develop terms for kinds of speech acts, and speech communities sometimes have their own terms for types.
These terms can be applied to many kinds of discourse. Sometimes in a written discussion you might emphasize only two or three of the letters of the mnemonic. It provides a structure for you to perceive components.


Work Cited


Hymes, Dell. Foundations of Sociolinguistics: An Ethnographic Approach. Philadelphia: U of Pennsylvania P, 1974.

(
http://www1.appstate.edu/~mcgowant/hymes.htm)

---
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon ---

Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga sumusunod na talata. 

1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan mo? 

2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap. Halimbawa, maaari mong sabihing Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang angkop na pahayag kung ang gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya? 

3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha. Ano kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng salapi sa taong uutangan niya, hindi ba? Makakamit ba niya ang kanyang layunin kung ang sasabihin niya'y Hoy! Pautang nga ng isanlibo! Samantala, kung siya nama'y manghoholdap, makakamit ba niya ang kanyang layunin kung sa malumanay na pananalita'y sasabihin niyang Para mo nang awa, akin na 'yang pera mo? Hindi ang sagot sa dalawang huling tanong. Kung gayon, sa paggamit ng wika, kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap. 

4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa, sa pagtitipan (date) inaasahang masuyo at malambing ang himig ng usapan at takbo ng pananalita ng magkasintahan ngunit, kapag may mga bagay silang pinagtatalunan maaaring magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa di pagkikibuan o away. 

5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang debut party? O di kaya'y ng isang taong naka-gown o barong Tagalog habang naglalaro ng basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging hitsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormal ang isang okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin? 

6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?) Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Bakit kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan ang nobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero kung nasusununog na ang bahay mo? Kung hindi mo kayang magsinungaling nang harapan, magdadahilan ka ba pa sa iyong kasintahan sa kanyang harapan? Kung mahusay kang gumawa ng sulat o ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging kontrolado natin ang hugis at lawak o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon. 

7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo. Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa gitna ng isang talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga paksa ring eksklusibo. Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin. Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung paanong makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang may paksang eksklusibong panlalaki. 

8. Genre. (ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o pangangatwiran?) Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung ang nais niya ay ang magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag. Kung ang nilalayon naman niya ay magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang paraan ng pagpapahayag kung ang nais nito ay magpapaliwanag at magbigay ng impormasyon, samantalang kung ang layunin niya ay ang manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at paninindigan ng iba, pangangatwiran ang paraan ng pagpapahayag. 

Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang pagtatamo ng pangkalahatang kahusayan sa paggamit ng wika upang makapagpahayag nang mabisa at maiugnay ang sarili sa kanyang paligid. Dapat malinang ang kasanayang umunawa sa mga salik na personal at salik-sosyal at kahusayang magpaunawa sa mensaheng nilalayong ipahatid sa paraang angkop, tumpak, at katanggap-tanggap sa lipunan at pamayanan..

(Source Unknown; Citation Needed.)

(
http://tl.answers.com/Q/Mga_konsiderasyon_sa_mabisang_komunikasyon_ni_dell_hymes)

No comments:

Post a Comment