Friday, September 27, 2013

Epifanio Mangaran PANAWAGAN SA MGA PASAHERO NG TRICYCLE SA MARIKINA:

PANAWAGAN SA MGA PASAHERO NG TRICYCLE SA MARIKINA:Sa laki ng penalty o multa laban sa lumalabag na tricycle driver sa Marikina ay nagagawa pa nilang mambiktima ng mga pasahero.Sobra kasi ang kanilang paghahangad sa malaking kita (kasuwapangan) kaya hindi sila natatakot na gawin iyon.SUBALIT HINDI DAPAT MANGYARI ANG GANOON.May kaukulang proteksiyon ang batas sa ating mga mananakay ng tricycle.Ang nakalulungkot...AYAW NATING MAGREKLAMO KAYA PATULOY TAYONG INAABUSO NG MGA TRICYCLE DRIVER.Hindi tayo dapat na pumayag na maging biktima nila...sa halip...sila ang dapat na maging ''biktima'' sa oras na magkamali sila ng pagsingil at pagtrato sa ating mga pasahero na inaabuso nila.Talaga pong kung minsan ay ganyan ang buhay...tayo mismo ang dapat na gumawa ng kaukulang hakbang para sa sarili nating kapakanan...dapat tayong magreklamo SA CTMDO dahil tayo ang napeperwisiyo...tayo ang apektado...tayo ang complainant...tayo ang testigo...WALA PONG IBA.Naghihntay po ang CTMDO NA LUMAPIT TAYO SA KANILA.Nakipag-ugnayan na po ako sa kanila at nangako sila sa akin gagawan nila ng aksyon ang lahat ng reklamo.Ang problema pong ito ay inilapit ko sa C2G2 sa pamamagitan ni Pinoy Politika pero wala pong nangyari.KAYA TAYO NA PO MISMO ANG KUMILOS.
-------NARITO PO ANG KASALUKUYANG TARIPA NG PASAHE:
-------9 pesos ang minimum sa 1 kilometrong layo kung chance passenger ka o pinara mo lang siya(ang driver).ANG ANUMANG LABIS SA MINIMUM FARE AY...OVERCHARGING NA ANG VIOLATION...ang multa...1000 pesos.
-------kung sa terminal ka sumakay ay 20 ang mininum kung ipinasya mong palakarin na ang tricycle...kung dalawa kayo ay 20 pa rin..kung tatlo na kayo ay 9 ang bawat isa.PISO LAMANG ANG DAGDAG SA ISANG KILOMETRO NA ITINAKBO NG TRICYCLE.
-------kung nagtanong ka sa driver at namahalan ka sa sinabi niyang halaga ng pasahe at tumawad ka pero hindi ka isinakay...ang tawag doon ay...REFUSAL TO CONVEY... ang multa..500 pesos.
------dapat ay may naka-dislay na fare matrix sa loob ng tricycle...MANDATORY ito...kung wala...500 pesos ang multa...
------sa mga senior citizen ay bawas 2 piso at ang estudyante ay 1.00...kailangang may I.D. ang senior at estudyante.
-------ang bata edad 4-5 na taon ay 3 pesos ang bayad.
-------mas matindi ang parusa sa mga kolorum o walang prangkisa na tricycle...3000 pesos kapag nagsakay at naningil sa pasahero.
-------kung kung ikaw ay sasakay mula sa palengke ng Marikina (at sa paligid nito) hanggang sa Midtown sa San Roque o sa Sta.Teresita Village sa Malanday...ang distansiya nito ay isang kilometro lang.Ngunit kung hindi ka magaling sa kalkulasyon...ang pisong idadagdag mo ay katumbas na ng isang kilometro...imagine..kung sa Malanday ka lang pupunta ay parang hanggang Tumana ang binarayan mo.So,para safe ka,magdagdag ka ng piso o dalawang piso sa driver...KALABISAN na kung hihingi pa ng dagdag ang driver.Maging vigilante po sana tayo...WALANG PANALO ang mga tricycle driver kapag IPINILIT natin ang ating karapatan sa pasahe na naaayon sa batas...MARAMING SALAMAT PO.

https://www.facebook.com/groups/137077469678677/permalink/535451759841244/

No comments:

Post a Comment